ECPAY

Tungkol saan ang programa na ito?

Magandang Balita! Pwede mo na gamitin ang Globe Rewards points as cash sa lahat ng ECPAY participating outlets.

Saan maaaring gamitin o pambayad ito?

Ang Globe Rewards Points ay maaaring ipambili ng produkto o pambayad ng bills sa EC Pay outlets gaya ng mga sumusunod:

  • Toyo, suka, patis, kape, shampoo, sabon atbp.
  • Bill ng tubig o loans
  • Cash-in. Example: Grab


Ang Globe Rewards Points ay maaaring din ipambayad sa Globe Partner Merchants. Halimbawa: Bench, KFC, Globe Store at iba pa. Pwede rin mag bayad ng gamit ang cash at iyong Globe Rewards Points.


Via New GlobeOne app: Go to the Rewards section and look for Pay with Points

Via *143#: Dial *143#, select Rewards then Pay Stores

Ilan ang equivalent points sa amount at pag ginamit ba ito na pambayad, makukuha ko ito agad?

Ang 1 Globe Rewards point ay equals to P1.00 at hindi pwedeng magbayad ng sentimo. Example: 160.50. Minimum of 1 point lang ang kailangan sa lahat ng accredited ECPAY outlets.


Ang Reward points na ipinambayad ng customer ay papasok sa GCash account ni Retailer real-time. 

Paano ito gamitin bilang retailer?

Easy lang ito!

  • I-download ang EC Pay app
  • Piliin ang EC Pay sa Dashboard
  • Ilagay kung anong item ang binili 
  • Piliin ang GLOBE REWARDS na payment option at click kung mag-scan ng QR Code si customer gamit and Globe Rewards app or via text.  
  • Kung ang pinili ay Pay via QR, ipa-scan sa customer ang QR code na nasa ECPay mobile application. Click NEXT pagkatapos ma-scan
  • Kung ang pinili ay Pay via text, ipakita sa customer ang SYNTAX at access code. Click NEXT pagkatapos 
  • Antayin ang text galing 4438 para sa status ng Globe Rewards transaction at GCash para sa bayad ng customer
  • Maari na ibigay ang item sa customer pag natanggap na text notification galing GCASH at 4438
  • Makikita sa Transaction History ang GLOBE REWARDS payout

Paano malalaman na ang ECPay outlet store kay tumatanggap ng rewards points as cash?

Hanapin lamang ang banner na makikita sa sari-sari store.


Makakatanggap ng confirmation message galing sa 4438. Pwede rin makita sa App Transaction History para maverify ang mga transactions.


Tumatanggap din ng points ang Accredited Retailers mula sa Globe Prepaid, Postpaid at Home Prepaid WiFi customers.


Para sa listahan ng accredited ECPAY partners, visit their ECPAY Community page

Paano kung nakapagbayad ng sobra sa halagang binili?

Ang system ay hindi nag-aallow ng sukli.

Paano mas mapapalaki ang Globe Rewards points base sa benta?

Palakihin lang ang pagbebenta ng Globe o TM Load para mas malaki ang ma-convert na reward points para rin sa mas mataas na kita.


Halimbawa:


Kung meron ka na 40 customer at nag-load ng P500 load per month, mage-earn na ito ng 10points bawat isa.


Ang na-earn na 10 points ni customer ay maaaring ipambili sa tindahan mo at magiging equivalent ito sa P400 na papasok sa iyong GCash Account.

Ano ang gagawin kapag hindi naka-receive ng confirmation message within 60 seconds?

STEP1:  I-check ang Gcash account para i-check ang balance

STEP2: Kung nadagdagan ang current balance sa iyong GCASH account, pwede ng ibigay ang item na binili  

Paano kung meron natanggap na text sa 4438 ngunit walang walang notification si GCash na pumasok na ang bayad?

Hindi ibibigay ng Retailer ang item sa customer. Ibig sabihin nito ay Failed ang Globe Rewards transaction ng iyong customer.  Maaaring itawag at i-inquire sa ECPay hotline ang status ng transaction.


Pero kung may GCash notification na nakuha ibig sabihin ito ay successful ang transaction.

Saang GCash account papasok ang bayad?

Macrecredit real-time ang bayad ni customer sa GCash account na inenroll ni Retailer sa ECPay.

Bakit wala akong Globe Rewards QR Code?

Ang Globe Rewards QR Code ay ipapadala ng libre sa inyo ng ECPay Agent. Magkakaroon din ng QR code sa upcoming ECPay Retailer app. Kung nais iffup ang iyong points, pwede tumawag sa ECPay customer service. 

Saan pwedeng tumawag kapag invalid or unsuccessful ang Globe Rewards transaction?

Maaaring i-report ito ni customer sa Globe Facebook Messenger page (m.me/globeph).

Saan pwede tumawag si Retailer kung may katanungan tungkol sa bayad or credit sa GCash?

Maaring tumawag sa ECPay Hotline

Landline : (02)7906-9530

SMART : 0919-06-ECPAY (0919-06-32729)

GLOBE : 0917-54-ECPAY (0917-54-32729)

SUN : 0923-0889689

Saan madodownload ang New GlobeOne app at hanggang ilan ang pwedeng i-register na number?

Ang New GlobeOne app  ay libreng mada-download sa Apple Store o sa Google Play Store.
  • Kailangan naka-open ang mobile data or WiFi.
  • Ang customer ay kailangan mag-register ng kanilang mobile number sa app. Kapag kumpleto na ang  detalye, may marereceive na  One-Time-PIN(OTP) para i-verify ang inyong account. Valid lamang ito ng dalawang (2) minuto.
  • Kapag verified na, ang customer ay kailangan mag fill-out ng profile and mag-agree sa Terms & Conditions.
  • Para sa ibang detalye tungkol sa New GlobeOne app, click here.

Paano magpa-accredit sa programa ni ECPay?

Paano kung sa maling number nai-transfer ng customer ang points?

Hindi na maaaring ibalik ang points na nai-transfer sa maling number. Ipaalala sa customer na kailangang siguraduhin na kopya ng tama ang number ng Accreted Retailer dahil kapag ito ay successful transaction na, hindi na pwedeng ibalik or i-cancel transaction.

Ano ang Gadget Blowout promo?

Ang Gadget Blowout ay ang back-to-school raffle promo para sa ECPAY retailers na naka-enroll sa Globe Rewards points as cash program. Magsisimula ito simula Aug. 20 - Sept. 30, 2022.

Sino ang pwede sumali?

Lahat ng Rewards merchants na gagawa ng kanilang first rewards transaction via scan QR code gamit ang kanilang active ECPAY mobile app within the promo period.

Ano ang pwede kong mapalanunan?

May 10 winners ng 2,000 Globe Rewards points at 5 winners ng Galaxy Tab A8 para sa weekly winners. Total of 75 winners.


Ang napanalunan na Bonus points ay valid within 30 days upon receipt.

Paano ako makaka earn ng entries?

One single transaction of at least 1 Rewards point ay equivalent sa  (1) raffle entry.

  • 1 transaction = 1 raffle entry

Lahat ng transaction at dapat gawin via ECPAY mobile app o Go Pay/ Scan QR. I-check ang message from 4438 para malaman na successful ang pag-earn mo ng raffle entry.

Saan ko malalaman kung nanalo ako?

Ang mga nanalo ay makakatanggap ng text message at tawag mula sa aming accredited na third party agency na Bluehive MDS Events Inc. at makikita ang kanilang pangalan na naka post sa ECPAY community page.

Ilang beses ako pwede manalo?

Ang mga ECPAY Retailers ay pwede lang manalo ng 1 beses within the promo period.

Saan ako pwede magtanong o mag-report kung may concern ako tungkol sa promo na ito?

Mag email lang at  [email protected], mag-send ng message sa aming FB messenger page at m.me/ECPayPh or sa ECPAY Hotline numbers.

Top