Globe Retailers Free Text Conversion to Globe Rewards Points

Tungkol saan ang promo na ito?

Ang promo na ito ay para sa mga piling Globe Retailers na may remaining na FREE TEXTS balance. Ang kanilang FREE TEXTS balance ay icoconvert natin to Globe Rewards points, kada 200 FREE TEXTS katumbas nito ay 1 bonus Rewards points.

Mayroon akong FREE TEXTS na nakuha sa pag-load ko ng call card, kasama ba ito sa tatanggalin at icoconvert sa Globe Rewards points?

Oo, ito ay magiging bonus Rewards points din.

Hanggang kailan ninyo io-offer ang promo na ito?

Ang offer ay simula October 25 - November 30, 2022 only. Ang conversion ng remaining FREE TEXTS to bonus Rewards Points ay one-time lamang.

Paano ko macoconvert ang FREE TEXTS ko sa bonus Rewards points?

Kayo ay makakatanggap ng text galing sa amin na ikaw ay qualified para ma-convert ang natitirang text balance sa bonus Rewards points.

Ilan ang pwede kong makuhang Globe Rewards points?

Sa bawat 200 FREE TEXTS balance katumbas nito ay 1 bonus Rewards points. Kung below 200 ang FREE TEXTS mo, mapapalitan ito ng 1 bonus Rewards point.

Kailan ko matatanggap ang Globe Rewards points?

Ang iyong bonus Rewards points ay matatanggap mo on or before November 30, 2022. Makakakuha ka rin ng message mula sa 4438 kapag naipadala na namin ang iyong bonus Rewards points.

Pwede ko ba hindi ipa convert ang free TEXTS ko sa bonus Rewards points?

Dahil gusto naming mabigyan ka ng rewarding experience sa GlobeOne, icoconvert namen lahat ng free TEXTS mo.

Nalaman ko na pwede na i-convert ang free TEXTS sa bonus Rewards points, qualified ba ako sa offer na ito?

Sa ngayon ang mga retailer na active at transacting lamang as of September 30, 2022 ang nakakuha ng offer na ito. Patuloy lamang na magbenta ng load at maaaring magqualify sa mga upcoming promos.

Mayroon akong remaining na 500 FREE TEXTS, ilan ang makukuha kong Globe Rewards points?

2.5 Globe Rewards points ang iyong matatanggap.

Saan ko makikita ang Globe Rewards points balance ko?

Makikita mo ang iyong available points sa GlobeOne app profile. I- download at mag-register lang sa GlobeOne app via App Store, Play Store o App Gallery.

Kailan mag-eexpire ang bonus Rewards points ko?

Ang iyong bonus points ay valid hanggang February 29, 2023. Makakatanggap ka ng reminder notification na malapit na mag-expire ang iyong points.

Bakit mas maagang nag-eexpire ang bonus Rewards points kaysa sa earned points?

Mas maaga ang pag-expire ng mga bonus Rewards points dahil ito ay binibigay na free. Hindi tulad ng earned points na ito ay nakuha mo dahil sa pagbili mo ng iyong personal load.

Hindi ko natanggap ang Globe Rewards points ko, anong aking gagawin?

Siguraduhin na ikaw ay may at least P1 regular load o mag top-up ng regular load na at least P1 or kahit anong promo load sa iyong Retailer SIM para makuha ang iyong bonus Rewards points. Kung nagawa na ito at hindi pa rin natanggap ang bonus Rewards points, pwede kang tumawag sa 2629, pumunta sa GlobeOne app, i-tap HELP section para i-report ang issue na ito.

Mali ang converted points na nakuha ko vs sa remaining text balance ko?

Pwede kang tumawag sa 2629, pumunta sa GlobeOne app, i-tap HELP section page o mag message sa Globe Facebook page para i-report ang isyu na ito.

Ano ang mauuna na mababawas sa points kapag nag-redeem ako?

Ang bonus Rewards points ang unang mabawawas kapag ikaw ay meron din earned points galing sa pagbili mo ng personal load.

Top