Hangad naming maibigay ang serbisyong deserve mo. Nakakaranas ka ba ng connectivity issues? Sundan ang sumusunod na madaling hakbang. Helpful Tips na Baka Hindi mo pa Alam Magkaiba ang solusyon para sa internet signal at WiFi issues, kaya mahalagang malaman kung alin sa mga ito ang nais mong ayusin.
- Connection Issues: Maaari itong manggaling sa iyong Internet Service Provider (ISP), modem, o wiring.
- WiFi Issues: Karaniwang sanhi ito ng problema sa signal ng router, distansya, o iba pang devices na maaaring sanhi ng interference.
Ang isang quick step na pwede mong gawin ay tingnan ang internet signal light sa iyong modem.
- Kapag solid white o green ang ilaw, maayos ang conncection.
- Kung pula o patay ang ilaw, may problema sa signal at kailangan ng troubleshooting.
- Tingnan ang light indicator guide sa ibaba para sa mas epektibong troubleshooting.
Mga Dahilan ng Interruptions
- ISP Issues: Maaari itong manggaling sa iyong Internet Service Provider (ISP), modem, o wiring.
- Network Congestion: Sanhi ito ng heavy traffic tuwing peak hours.
- Modem o Router Problems: Dahil ito sa sirang hardware o lumang firmware.
- Mahinang WiFi Signal: Nangyayari ito dahil sa distansya, mga harang, o kaya interference ng ibang device.
- Problema sa Wiring: Dulot ito ng sirang kable.
Basic Tips sa Pag-Troubleshoot
- I-check ang mga modem cables. Siguraduhing lahat ng cables ay maayos at hindi maluwag.
- I-restart ang modem. Hugutin ito sa saksakan, maghintay nang dalawang minuto, at isaksak ulit.
- Subukan ang Wi-Fi sa ibang devices. Kung nakaka-connect ang isang device pero hindi ang iba, maaaring nasa device ang problema.
- Mag-open ng ibang website o app. Kung isang site o serbisyo lang ang hindi naglo-load, maayos naman ang connection mo.
- I-check kung may outage. Kung may outage sa Globe, hindi mo ito maaayos mag-isa. Tingnan muna kung may outages bago mag-troubleshoot.
- I-review ang iyong billing status. Siguraduhing hindi mo nakaligtaang magbayad. Gamitin ang GlobeOne app para i-monitor ang usage at makita ang latest promos.
Pag-Check ng Connection Gamit ang GlobeOne App
Step 1
Open the dashboard and tap "Help" for your postpaid broadband plan.Step 2
I-select ang "GFiber Prepaid concerns".Step 3
Piliin ang "Troubleshoot my device".Step 4
Hanapin ang iyong concern at sagutin ang mga tanong.Step 5
Sa dulo ng mga tanong, i-click ang "Request for repair" kung hindi pa rin nasagot ang problema.Lilipat ka ba ng lugar? Mag-apply para sa bagong linya rito.