Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Rewards Points As Cash At ECPay Participating Outlets - Globe

ECPAY

Tungkol saan ang programa na ito?

Ang Globe Rewards Points ay maaaring ipambili ng produkto o pambayad ng bills sa EC Pay outlets gaya ng mga sumusunod:

  • Toyo, suka, patis, kape, shampoo, sabon atbp.
  • Bill ng tubig o loans
  • Cash-in. Example: Grab
  • Maaaring din ipambayad sa Globe Partner Merchants.


Para magbayad gamit ang points, siguraduhin na naka-enroll na sa The All-New Rewards Program. I-tap lang ang Redeem Rewards section sa GlobeOne app at makikita ang page kung saan na pwede ka mag-join. Kapag successful sa pag-join, i-tap lang ang “See rewards catalog” para makita ang Pay with Points scanner


Paalala na kapag bumili at sobra ang points kumpara sa presyo ng nabili, ang system ay hindi mag-allow ng sukli.

Ilan ang equivalent points sa amount at pag ginamit ba ito na pambayad, makukuha ko ito agad?

Ang 1 Globe Rewards point ay equals to P1.00 at hindi pwedeng magbayad ng sentimo. Example: 160.50. Minimum of 1 point lang ang kailangan sa lahat ng accredited ECPAY outlets.


Ang Reward points na ipinambayad ng customer ay papasok sa GCash account ni Retailer real-time. 

Paano ito gamitin bilang retailer?

Easy lang ito!

  • I-download ang EC Pay app
  • Piliin ang EC Pay sa Dashboard
  • Ilagay kung anong item ang binili 
  • Piliin ang GLOBE REWARDS na payment option at click kung mag-scan ng QR Code si customer gamit ang GlobeOne app or via text.
  • Kung ang pinili ay Pay via QR, ipa-scan sa customer ang QR code na nasa ECPay mobile application. Click NEXT pagkatapos ma-scan
  • Kung ang pinili ay Pay via text, ipakita sa customer ang SYNTAX at access code. Click NEXT pagkatapos 
  • Antayin ang text galing 4438 para sa status ng Globe Rewards transaction at GCash para sa bayad ng customer
  • Maari na ibigay ang item sa customer pag natanggap na text notification galing GCASH at 4438
  • Makikita sa Transaction History ang GLOBE REWARDS payout

Paano malalaman na ang ECPay outlet store kay tumatanggap ng rewards points as cash?

Hanapin lamang ang banner na makikita sa sari-sari store.


Pagkatapos ng transaction, makakatanggap ng confirmation message galing sa 4438. Pwede rin makita sa App Transaction History para ma-verify ang mga transactions.


Tumatanggap din ng points ang Accredited Retailers mula sa Globe Prepaid, Postpaid at Home Prepaid WiFi customers.


Para sa listahan ng accredited ECPAY partners, visit their ECPAY Community page

Bilang ECPAY retailer, pwede pa ba ako mag-earn ng points?

Sa bagong Rewards program, hindi na makaka-earn ng points. Kung nais mo makakuha ng points, pwede mo gamitin ang iyong personal SIM kapag nag-load ka o bumili ng promo via GlobeOne app.

As a customer na magbabayad sa ECPay Retailer, makakuha ba ako ng points?

Pwede ka lang maka-earn ng points kapag bumili ka ng load or promo gamit ang GlobeOne app.

Paano kung meron natanggap na text sa 4438 ngunit walang walang notification si GCash na pumasok na ang bayad?

Hindi ibibigay ng Retailer ang item sa customer. Ibig sabihin nito ay Failed ang Globe Rewards transaction ng iyong customer.  Maaaring itawag at i-inquire sa ECPay hotline ang status ng transaction.


Pero kung may GCash notification na nakuha ibig sabihin ito ay successful ang transaction.

Saang GCash account papasok ang bayad?

Macrecredit real-time ang bayad ni customer sa GCash account na inenroll ni Retailer sa ECPay.

Saan pwedeng tumawag kapag invalid or unsuccessful ang Globe Rewards transaction?

Maaaring i-report ito ni customer sa Globe Facebook Messenger page at m.me/globeph

Saan pwede tumawag si Retailer kung may katanungan tungkol sa bayad or credit sa GCash o magpa accredit sa programa ng ECPAY?

Maaring tumawag sa ECPay Hotline

Landline : (02)7906-9530

GLOBE : 0917-54-ECPAY (0917-54-32729),0956,079-1766, 0917-800-8352, 0917,800,9915, 0917-902-3246, 0917-802-8996

SMART/SUN : 0919-06-ECPAY (0919-06-32729)

Para sa iba pang detalye, visit ECPAY Community Page:
https://www.facebook.com/groups/3319579578060260

Saan madodownload ang GlobeOne app at hanggang ilan ang pwedeng i-register na number?

Ang GlobeOne app  ay libreng mada-download sa Apple Store o sa Google Play Store.
  • Kailangan naka-open ang mobile data or WiFi.
  • Ang customer ay kailangan mag-register ng kanilang mobile number sa app. Kapag kumpleto na ang  detalye, may marereceive na  One-Time-PIN(OTP) para i-verify ang inyong account. Valid lamang ito ng dalawang (2) minuto.
  • Kapag verified na, ang customer ay kailangan mag fill-out ng profile and mag-agree sa Terms & Conditions.
  • Para sa ibang detalye tungkol sa GlobeOne app, click here.

Paano kung sa maling number nai-transfer ng customer ang points?

Hindi na maaaring ibalik ang points na nai-transfer sa maling number. Ipaalala sa customer na kailangang siguraduhin na kopya ng tama ang number ng Accreted Retailer dahil kapag ito ay successful transaction na, hindi na pwedeng ibalik or i-cancel transaction.

Saan ako pwede mag-check ng ibang detalye tungkol sa ECPAY?

I-click ang link na ito para bumisita lang sa Visit ECPAY Community Page.

Top